Summer season sa Pinas nagsisimula na

KINUMPIRMA ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na unti-unti nang pumapasok ang summer season sa bansa, kasunod na rin ng nararanasang mainit na panahon sa bandang gabi.

Samantala, para sa ulat ng panahon, makaaapekto ang buntot ng cold front sa Eastern Section ng Southern Luzon, Visayas at Northern Mindanao.

Dahil dito, makakaranas ang silangang bahagi ng katimugang Luzon, Kabisayaan at Mindanao ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog.

Magkakaroon din ng malawakang pag-ulan sa Silangan at Gitnang Kabisayaan at Hilagang-Silangang Mindanao na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang Kalakhang Maynila ay makararanas ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahinang pag-ulan.

Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 21 hanggang 32 antas ng sentigrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply