Sundalo patay sa sagupaan sa Agusan del Sur

NAMATAY ang isang sundalo makaraang makasagupa ang lawless elements kaninang umaga sa Hibagat, Agusan del Sur.

Ayon sa ulat ng Eastern Mindanao Command, nasa combat operation ang mga sundalo nang makasagupa ang tinatayang pitong armadong lalaki na sinasabing nangongotong sa mga biktima ng bagyong Sendong.

Matapos ang limang minutong palitan ng putok, bumulagta ang isang hindi pa pinapangalanang sundalo matapos tamaan ng bala sa dibdib.

Na-recover sa lugar ng pinangyarihan ng engkuwentro ang isang M14, at AK-47.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply