Sunog ang bahay sa Samsung at kolorum sa Taft Avenue

KAMAKAILAN ay muntik nang masunog ang bahay natin dahil sa dispalinghadong appliances na gawa ng SAMSUNG.

Buong yabang pang ipinagmamalaki ng mga Koreanong pulpol na mas maganda ang gawa nila sa mga Kano at Hapon.

Walang kadahi-dahilan ay biglang sumabog ang ating refrigerator na nagkakahalaga ng P111,000.

TURUAN SA SAMSUNG

Agad natin itong ipinagbigay-alam sa pamunuan ng Samsung pero ginawa tayong gunggong.

Una, sinabi sa atin ng gago nilang tauhan na lagpas na raw sa warranty kaya hindi na nila sagot ang pangyayari.

Kaya humanda na kayong masunog ang bahay n’yo kapag lumagpas na sa warranty ang SAMSUNG.

Pangalawa ay pinagturuturuan naman tayo kung kanino tayo makikipag-usap.

Pangatlo ay ginawa tayong parang bata na bibigyan na lang ng kendi para hindi na ngumawa.

‘Yun bang ===  papalitan na lang daw ang ref at bibigyan pa tayo ng Samsung galaxy na tablet matahimik lang tayo.

BAHAY N’YO KAYA ANG SUNUGIN KO

Isa lang naman ang tanong ko sa inyo, mga matatalinong gunggong d’yan sa SAMSUNG….

Bahay n’yo kaya ang sunugin ko?

Then bibigyan ko kayo ng dalawang ref at dalawa pang galaxy, papayag ho ba kayo?

Ngayon! Kapag nasunog ang bahay ko, aaminin n’yo kaya na kasalanan ng bulok n’yong refrigerator ang may dahilan?

SPECIAL OFFER

Sari-saring offer ang ginawa ng SAMSUNG sa ULTIMATUM.

Nandyang papalitan ang ref, meron pang galaxy, bibigyan ng anunsiyo ang ating pahayagan, pero ang totoo pala ay puro “promises” lang ito.

SINUNGALING NA SAMSUNG

Puro pangako pala ang kanilang sinasabi at pagdating sa dulo ng usapan ay ituturo sa mga gago nilang amo na Koreano.

Pilit na kinukuha ng mga gagong tauhan ng SAMSUNG sa ating bahay ang sumabog na refrigerator kahit na sinabi na ng guwardiya na walang tao rito at walang puwedeng magdesisyon.

GAGO TALAGA!

Puwes dahil sa gago naman kayong mga kausap, tingnan natin kung saan pupulutin ang mga dispalinghado n’yong produkto.

SUMBONG NG ISANG READER

Bigyan natin ng espasyo ang sumbong sa atin ng isa nating reader ukol sa colorum operation sa Taft Rotonda na ginagawang gatasan ng  Metro Manila Development Authority traffic enforcers.

Bakit hindi mahuli ang mga colorum na AUV’s papuntang Cavite?

Sino ba talaga ang nakikinabang dito?

Mahigit 300 unit ang bumibuiyahe at pumipila sa Taft Rotonda, sa basement parking area ng Metro Point Mall at sa Savers Mall.

Tinatayang 80% rito ang mga colorum na unit sa nasabing terminal.

Ang mga biyaheng Cavite (Paliparan, Dasmariñas, Molino, Tagaytay at iba pang parte ng CALABARZON) ang may pinakamaraming colorum na sasakyan.

Ano ba ang ginagawa ng local na pamahalaan dito?

Mga Land Transportation Office, Highway Patrol Group at higit sa lahat, mga timawang MMDA traffic enforcer na pinakakain na ng almusal, tanghalian at hapunan.

May pang hatinggabi pa na kumakain ng libre sa karatig na canteen ng terminal na ang nagbabayad ay ang mga nagpapa-terminal sa Rotonda.

Ang masaklap pa, iba’t ibang MMDA patrol pick-up car at iba’t ibang MMDA personnel ang pumaparada sa harap ng PTT gas station. (ang titimawa nyo).

Hindi lang pagkain, may collection pa sila matapos kumain, may  weekly pa.

MMDA ang kinatatakutan ng mga biyahero dahil kapag hindi nakakokolekta ang MMDA sa tamang oras, nanghuhuli naman.

May bagong pakulo naman ang mga biyahero rito na kung tawagin ay CALABARZON UV Transport Service.

Ito ay isang grupo na nagnanais makakuha ng prangkisa at nag-aaplay pa lamang sa LTFRB at hindi pa aprubado, may nakakabit nang sticker sa halagang P100.

Ngunit pribado pa rin ang mga  plaka ng sasakyan.

Pero bumibyahe na dahil sa takot mahuling colorum kahit mahal at hindi tama ay pinapatulan na nila (mga mamang tsuper at operator, suriin muna ninyo ang inyong prangkisa, pag berde pa rin ang plaka, colorum pa rin at hinuhuli ‘yan).

PAYO SA ANTI-PACQUIAO

Good  morning po, sir. Paki sabi po sa mga naghahangad na matalo si Pacquiao at nagsasabing naduduwag lang kaya ayaw labanan si Mayweather. Wala silang alam kundi manood lang at magmasid, mag-suggest dahil ang totoo ay wala silang alam. Parang walang pinag-aralan. Onin po ng Bicol. +63923557….

PANAWAGAN KAY MAYOR GACULA

Good am, ULTIMATUM. Gusto ko lang iparating kay Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula ang ukol sa kalye sa likod ng bagong palengke papuntang highway 2000. Sobra kasi ang lubak dito. Thanks po. +63947204….

ILIGAL NA TERMINAL AT POLUSYON

Good am sa inyo riyan sa Remate. Sir, ukol po ito sa matagal na naming problema sa Santolan, Pasig City. Ginagawang terminal ng mga tricycle  ang Evangelista St. Karamihan sa mga ito ang smoke belcher. Masakit sa baga. Sana po mailathala sa inyong popular na tabloid. Thanks. George McIlhenny, Santolan, Pasig. +63919656….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply