Supervisor pinaghahanap sa pagtangay ng mga sardinas

PINAGHAHANAP ngayon ang isang supervisor at dalawang driver matapos magpuslit ng mga sardinas sa pinapasukang kumpanya sa Navotas kagabi (Pebrero 6).

Nakilala ang mga pinaghahanap na sina William Dy, supervisor ng Maunlad Canning Corporation sa R-10 North Bay Boulevard South ng lungsod at mga driver na sina Rey Bernaldo, 39 at Alberto Regner Jr.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang ipuslit ng mga suspek sa nasabing kumpanya ang 87 kahon ng Youngstown Sardines na nagkakahalaga ng P80,400.

Nang malaman ng pamunuan, ay agad na inireport ang pangyayari sa pulisya.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad at nakita ang mga sardinas sa Letre, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Ayon kay Loreto Dolaolao, kaninang umaga ay isang aluminum close Vvan na hindi na nakuha ang plaka ang nakita nito na nag-iwan ng mga kahon ng sardinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply