Suporta ng INC kay Corona minaliit ng Palasyo

MINALIIT ng Malakanyang ang ‘di umano’y pagpapahayag ng simpatiya ng Iglesia ni Cristo (INC) kay Chief Justice Renato Corona.

Ang INC ay itinuturing na maimpluwensiyang religious group sa bansa.

Para kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, malabong makakuha ng simpatiya si Corona at dalhin pa ‘di umano ng kanyang mga taga-suporta ang kanilang pagdamay kay Corona sa kalsada.

“As far as people power is concerned, I don’t think at this point there will be people massing in the streets insofar as Corona supporters are concerned,” ang pahayag nito.

Noong nakaraang linggo, ilang grupo ang nagtipun-tipon sa lugar ng Korte Suprema sa Maynila upang magpakita ng kanilang suporta  kay Corona.

Subalit para kay Lacierda, ang ginawa ni Corona kasama ang asawa nito na kumakaway sa kanilang mga taga-suporta sa balkonahe ng Korte Suprema ay kahalintulad ng larawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at Imelda Marcos na kumakaway sa kanilang mga taga-suporta mula naman sa balkonahe ng Malakanyang bago pa mapatalsik ang diktador na lider noong 1986.

“That will bring back memories,” anito.

Sa kabilang dako, duda pa rin ang Malakanyang sa lumabas na resulta sa online survey kung saan nagtamo ng mataas na bilang si Corona ng mga sumusuporta rito.

“Tao ba talaga bumoto? I haven’t seen that. It’s the senators who will decide base on the evidence,” ang pahayag ni Lacierda. Kris Jose

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply