Supplemental budget para sa CDO pinamamadali

NANAWAGAN sa liderato ng Kamara ang ilang kongresista mula sa Mindanao na paspasan ang pagpapatibay sa P2 milyon panukalang supplemental budget para sa mga biktima ng bagyong Sendong noong nakaraang taon.

Kapwa sinabi nina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Rep. Maximo Rodriguez na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakababangon ang Cagayan de Oro at iba pang bahagi ng Mindanao na labis na sinalanta ng bagyong Sendong.

Ibinunyag pa ng dalawang mambabatas na marami pang tanggapan ng gobyerno at imprastraktura sa CDO ang hindi pa nasisimulang kumpunihin dahil sa kapos ang pondo para dito.

Maging ang mga pasok sa mga paaralan ay hindi pa rin anila bumabalik sa normal dahil marami ang nawasak na libro, classrooms at mga upuan.

Nauna nang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umabot sa mahigit isang milyong pamilya ang nawalan ng bahay at halos isang P1 bilyon halaga ng imprastraktura ang nawasak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply