Suspected drug pusher tumba sa parak sa Maynila

NASAWI ang isang hinihinalang drug pusher makaraang maka-engkwentro ng mga pulis sa kanto ng Severino Street at Recto Avenue sa Maynila kaninang madaling-araw, Pebrero 9.

Nabatid na nakatakas naman ang kasabwat ng napatay na suspek na sakay ng gray na Toyota Vios.

Nagsasagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa dalawang drug pusher sa Severino Street nang mahalata ng isa sa mga suspek na mga awtoridad ang kanilang katransaksyon.

Bumunot umano ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply