Suspected holdaper sinumpak patay sa Kyusi

NASAWI ang hinihinalang holdaper matapos sumpakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Pampanga Street, Barangay Payatas sa Quezon City.

Agad na nasawi ang umano’y holdaper na nakilala lamang bilang alyas “Jay-R Buang”.

Base sa pahayag ng mga residente sa lugar, kilala bilang notorius na holdaper si “Jay-R”, na nambibiktima sa mga pampasaherong jeep na bumibiyahe sa Commonwealth Avenue.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), posibleng hinabol muna ng supek si “Jay-R” bago patayin dahil sa naiwang tsinelas na narekober, ilang metro ang layo mula sa biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply