Suspek naburyong: 5 minasaker sa Aklan

NASAWI ang lima sa miyembro ng magkakamag-anak makaraang mag-amok ang isang lalaki na may problema sa pag-iisip habang nahihimbing sa pagtulog ang mga biktima kaninang umaga, Brgy. Bulwang, Numancia, Aklan.

Nabatid na bandang alas-6:00 ng umaga nang mag-amok ang suspek na si Errol Roldan, 30, kamit ang kanyang palakol at itak na palagi umano nitong dala-dala saan man ito magpunta.

Ayon sa ulat sa radyo, kabilang sa mga pinagtataga hanggang sa mapatay ang mag-inang Salvacion Rivas, 84; mga anak nito na sina Baltazar Rivas, 52, at Rosa Rivas, 65, na nasa kritikal na kondisyon, pawang nakatira sa unang bahay ng compound na pinasok ng suspek.

Kasunod na pinasok ng suspek ang bahay ng mag-asawang sina Anunsacion Rivas at Luciano Rivas, kasama ang anak na si Felicidad Rivas na namatay habang dinadala sa Aklan Provincial Hospital, doon sa nabanggit na compound.

Nananatili naman ngayon sa ospital ang sugatang si Rosa na nasa kritikal pa ang kondisyon.

Boluntaryo namang sumuko sa Numancia PNP si Roldan.

Sinasabing ang suspek ay dating nagtatrabaho sa Kalibo airport at kalaunan ay naging pagala-gala na matapos umano iwan ng kanyang misis dala ang kanilang apat na anak.

Kamakailan lamang ay sinasabing sinilaban din ng suspek ang kanyang bahay sa nabanggit ding compound dahil sa sobrang depression.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply