SWS: 9.7M Pinoy walang trabaho

SUMIPA sa 24 porsiyento ang unemployment sa mga adult Filipinos kaya may 9.7 milyong Pinoy ang walang trabaho, ayon sa ulat kaninang umaga ng pollster Social Weather Stations.

Sa kanilang survey na ikinasa nitong nakaraang Disyembre 3 hanggang 7, 2011, lumabas na may 24 percent unemployment rate ay tumaas mula sa 20.2 percent sa naunang tatlong buwan.

Sa 9.7 milyon na walang trabahong Pinoy, 10 porsiyento ang na- retrench, 9 porsiyento naman ang nagbitiw sa trabaho at 5 porsiyento naman first-time jobseekers.

Sinabi ng SWS na bumagsak ang unemployment sa 20 porsiyento ng tatlong beses nooong Mayo at Disyembre 2011. Idinagdag na ang unemployment ay sumirit sa record high na 34.2 porsiyento noong Pebrero 2009.
Sinasabi rin na simula nong Disyembre 2012, dinomina ang unemployment ng mga Pinoy na nagbitiw sa kanilang trabaho o nawalan ng trabaho dahil sa economic circumstances.

Ayon sa SWS, mataas ang unemployment sa mga kababaihan at sa mga batang miyembro ng labor force, na isinunod sa pattern ng nakaraang surveys.

Sa mga kalalakihan, bumaba ang ratio sa 15.2 percent mula sa 17 percent habang tumaas naman sa 35.6 percent mula sa 25.6 percent para naman sa kababaihan. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply