Syrian na namboso sa Pinay, kulong sa UAE

KATARUNGAN ang natamo ng mga kababaihan sa United Arab Emirates (UAE) kabilang na ang manggagawang Pinay na binosohan at pinagtangkaang molestiyahin ng isang Syrian national noong Oktubre 2011.

Lumabas ang ulat kahapon (Pebrero 28) na hinatulan ng UAE court ng tatlong buwang pagkakakulong ang 37-anyos na Syrian office manager.

Maliban sa pagkakabilanggo, pinade-deport din ang akusado pauwi sa kanilang bansa matapos mabuno ang tatlong buwan pananatili sa bilangguan.

Batay sa rekord ng korte, inamin ng akusado na siya ang naglagay ng camera sa toilet cubicle upang makita ang kaselanan ng mga kababaihan pumapasok sa toilet.

Nabunyag lamang ang lihim na paninilip ng akusado nang matagpuan ng 22-anyos na Pinay receptionist ang camera sa tagong lugar.

Nagulat pa ang Pinay nang matiyak na video camera na may nakasalpak na memory card ang ginamit ng akusado.

Nang isalpak ng biktima ang memory card sa computer ay saka pa lamang nya natuklasan na kabilang siya sa binosohan ng Syrian national. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply