Syrian national na nahulihan ng marijuana sa NAIA, kinasuhan na

KASONG paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa isang babaing Syrian national na nahulihan ng marijuana bago pa man makasakay ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi.

Kinilala ni PDEA Director Jose Gutierrez Jr., ang banyagang si Reem Suliman Altawijri, 36, Syrian national na naninirahan sa Riyadh, Sahafa Area, Saudi Arabia, nakumpiskahan ng mga tauhan ng NAIA Terminal 1 ng dalawang stick ng marijuana na inihalo sa kaha ng sigarilyo bago pa man makasakay ng Etihad Airways Flight EY-421 patungong Abu Dhabi.

Nasa huling yugto na ng x-ray machine patungo sa sasakyang eroplano si Altawijri nang mapuna ng awtoridad ang kahina-hinalang stick na nasa loob ng kaha ng sigarilyong nakalagay sa bulsa ng dayuhan at nang suriin ay lumabas na pinatuyong dahon ng marinuana.

Napag-alaman na nagbakasyon lamang sa bansa si Altawijri at nanatili ng tatlong linggo sa Baguio city kung saan hinihinalang nakuha niya ang nakumpiskang marijuana.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply