Taga-Metro Manila mas maikli ang buhay dahil sa air pollution

MAS maikli ng sampung taon ang buhay ng mga nakatira sa Metro Manila kaysa sa mga nakatira sa probinsya dahil sa maruming hangin, ito ang pahayag ng Philippine Medical Association (PMA) ngayon.

Ayon kay PMA Vice President Mardave Martinez, hindi napapansin ng mga tagalungsod na nalalason sila ng maruming hanging kanilang hinihinga at unti-unti sila nitong pinapatay.

Ani Martinez, dahil sa maruming hangin ay pumapangatlo na ang lung cancer at iba pang sakit sa baga sa mga silent killers ng bansa.

Inamin naman ni Environment Management Bureau OIC-Dir. Juan Miguel Cuna, na talagang malala na ang kaso ng polusyon sa Metro Manila.

Hindi pa umano natin naaabot ang tamang hanging bagay sa kalusugan ng tao bagama’t bumaba na ito kahit paano.

Aniya, ang tanging solusyon na lamang dito ay ang pagtatanim ng puno upang sipsipin ang carbon monoxide at carbon dioxide na inilalabas ng napakaraming sasakyan sa lungsod.

Sa ulat ni Dr. Martinez, ang inaasahang life expectancy ng mga tagalungsod ay 60 hanggang 65 anyos lamang samantalang ang mga tagaprobinsya ay 70 hanggang 75.

Mas maganda rin umano ang kutis ng mga taga-probinsya dahil sa sariwang hangin at sariwang pagkain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply