Taiwanese todas sa tubig-alat ng Bora

PATAY ang isang Taiwanese matapos mabilaukan ng tubig-alat habang nagsasagawa ng banana boating sa isla ng Boracay.

Nakilala ang biktima na si Shu Fen Lu, 49, tubong Taiwan, at nagbabakasyon lamang sa Pilipinas.

Si Lu ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa St. Gabriel Hospital sa Kalibo, Aklan.

Nauna rito, kasama ng biktima ang ilan nitong kaibigang bakasyunista na nagsasagawa ng banana boating sa Station 1 sa Brgy. Balabag sa isla ng Boracay nang biglang makainom ng tubig-alat mula sa tumalsik na tubig sa dagat kaya nabilaukan at nawalan ng malay tao.

Base sa report ng Boracay Tourist Assistance Center, agad na nagreport sa kanila ang tour guide ng biktima na si Chin Ho Lee kaugnay sa nangyari.

Ayon naman sa findings ng ospital, lumalabas na namatay ang biktima sa cardio respiratory arrest. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply