Takas

BAGONG abogado si Mike kaya naman excited siya na humawak na ng kaso sa Hukuman.

Minsan ay may isang babaeng pumunta sa kaniyang opisina na kinuha siya bilang abogado ng isang pulis.

Pinuntahan ni Mike ang pulis at kanyang kinausap tungkol sa kaso.

“Infidelity in the custody of a prisoner” ang kaso.

Natakasan daw siya ng isang bilanggo habang ito’y nasa kanyang pangangalaga.

Nagtaka si Mike kung paano makatatakas ang isang bilanggo sa kaniyang escort na pulis kung hindi ito nakalalabas ng kulungan.

Sa pag-iimbestiga ni Mike, nalaman niya ang masamang pamamalakad sa city jail.

Ang mga nakakulong na may salapi ay nakalalabas pala.

Para makasiguro ang pagbabalik nito ay nagtatalaga ng escort na pulis na hindi naka-assign sa city jail at ibabalik niya ito pagdating ng gabi.

Ito ang naging kalakaran lalo na pag nakakulong at walang piyansa ang preso ngunit kayang magbayad para makalabas ng panandalian.

Nais ibulgar ni Mike sa media ang kalakaran na ito ngunit ninais niyang tapusin muna ang kaso.

Napag-alaman ni Mike na ang pulis pala ay hindi official escort ng pumuga na preso at walang ebidensya ang prosecution laban sa kaniya na siya ang escort.

Itinuro lang siya ng warden na siya ang kumuha sa preso dahil kasintahan niya ang preso.

Kampante si Mike na hindi makatetestigo ang warden laban sa kliyente niya dahil kung tutuusin siya ang dapat idemanda sa maruming kalakaran sa jail na nasasakupan niya.

Sa unang araw ng paglilitis ay nagulat na lamang si Mike na iniurong ang kaso laban sa kliyente niya.

Nag-“affidavit of desistance: ang warden at sinabing isang pagkakamali ang naihabla ang pulis at hinanap nila ang tunay na escort.

Naguluhan si Mike ngunit ang mahalaga sa kaniya ay nadismiss ang kaso laban sa kliyente niya.

Ilang araw ang lumipas at bumalik ang babae sa opisina ni Mike at nagpasalamat.

Pag-alis ng babae ay may napansin siya na naiwan na envelope.

Hinabol ni Mike ang babae para isauli pero wala na ang babae.

Nakita niya na may lamang pera ang envelope at sulat na nagsasaad na “Attorney, salamat sa tulong n’yo sa boyfriend ko.

Alis na po ako at baka mahuli pa ako.”

Napatigil si Mike at hindi niya malaman kung matutuwa o maasar siya dahil ang babae pala ang takas na bilanggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply