Takot sa akin si Donaire- Arce

NAKAHANDA si WBO Batamweight Champion ‘El Travieso’ Jorge Arce na labanan si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire kahit sa Pilipinas.

Ayon kay Arce, kahit na hindi pa sigurado kung kailan matutuloy ang laban ay nagsasanay na siya.

“I want this fight because I always fight the best and they say he’s the best but I know I can beat him. I will prove to him, He has never fought a fighter like me. He is not a monster, I can beat him,” pahayag niya.

Matapang ding sinabi ni Arce na parang natatakot sa kanya si Donaire o kaya isa
sa mga amo nito ang ayaw na matuloy ang kanilang laban.

Nagtataka rin aniya siya kung bakit si Wilfredo Vasquez ang sinagupa ni Donaire gayung tinalo na niya ito.

“I don’t know why they fought Vazquez when I beat Vazquez, they should have fought me, they knew I wanted this fight. I don’t know if it’s him or his people but someone if afraid of me fighting Donaire,” diin ni Arce.

Naniniwala rin naman ang kampo ni Arce na matutuloy ang laban na ito dahil ito ang gusto ng fans at gusto rin ni Bob Arum.

Kinumpirma rin ni Arce na lalaban siya sa undercard ng pagharap ni Manny Pacquiao kay Tim Bradley sa Hulyo 9.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply