Talamak na mga VK hindi kayang patigilin nina RD, PD

TALAMAK pa rin ang operasyon ng mga video karera na minamantine nina Marlyn Mendoza at Kapitana Bebot dela Cruz sa Dagupan City at Nato Soriano naman sa Bayambang, Pangasinan.

Mga pipi, bulag at bingi sina Region 1 RD Gen. Franklin Bucayu at Pangasinan PD Supt. Rosueto Ricaforte sa hindi mapatigil na talamak na operasyon ng demonyong mga video karera na pinatatakbo ng mga nasabing operator.

Paanong hindi mo sasabihing mga bulag, pipi at bingi ang mga opisyales na ‘yan?

Mantakin ninyo na napakatagal na pala na nag-ooperate ang mga operator na ‘yan sa buong Pangasinan.

Pero simula nang maupo ang mga police officer na ‘yan ay hindi sila nakitaan ng mga  Pangasinense na kumilos para mapatigil ang talamak na operasyon ng mga demonyong makinang VK na inilatag ng mga nasabing  operator sa nasabing lalawigan.

Ang balita ko ay malaki ang weekly tong-collection na ibinibigay ng mga vk operator na ito sa mga tiwaling police officer gaya nila kaya smooth ang operation nito.

Nasaan ka na Gov. Amado Espino? Bakit pinababayaan mo ang lalawigan nyo?

Huwag mong sabihin na isa na rin kayo sa mga nagtatamasa ng ‘grasya’ galing sa mga vk na ‘yan.

Aksyon, gob, hindi koleksyon. He he he he!

SAAN NA NAPUNTA ANG MGA UKAY-UKAY

Nasaan na nga ba ang nakumpiska ng Bureau of Customs na ‘ukay-ukay’ na  naka-consign sa RMK Cherry Japan.

Ang mga ‘ukay-ukay’ na nasabat ay galing pa sa bansang Korea.

Ang mga ‘ukay-ukay’ ay nasabat ng mga tauhan ni Comm. Ruffy Biazon.

Ipinagmamalaki ng RMK Cherry Japan na kayang-kaya nilang ilabas ang kanilang mga epektos dahil malakas sila. Kanino?

Kaya pala nawala e!

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply