Talent manager kasing yabang na rin ng dating alaga

ANG kasikatan nga naman binabago ang ugali ng isang tao. Dati tahimik lamang itong si manager simula nang layasan ng kanyang sikat ng alagang komedyante. Marami sa kanyang mga kasamahan sa press ang nakisimpatya sa kanya.

Hinambalos nila sa kanilang mga panulat ang dating talent nito na maangas at mayabang na. Kamuntik nang magsara ang show nito dahil sa mga lait at pagpuna ng movie scribes sa kanya. Kung hindi magbago-bago ang baklitang ito baka pati ‘yung show nitong isa pa ay matigbak na nang tuluyan dahil sa sobrang hangin sa kanyang ulo. Hindi na kasi siya nakatatawa. Habang pinanonood mo s’ya maiinis ka lang sa kanya dahil ang arte-arte na, feeling babae at maganda ang hinayupak na ‘to.

Anyway, nagulat tayo mga kapatid, akala natin itong lumayas niyang talent lang ang super shorak ang ugali, pati pala siya ay pinasok na rin ang kukote ng hanging habagat.

Naku ning, sa hearing kung saan imbitado, este, akusado si manager, itsura ng Star for All Seasons, Megastar, Diamond Star at Superstar si mokong, at ipinagmamalaki nitong siya raw ang reyna ng demanda. Talagang umaalingawngaw sa loob ng court room ang boses nitong kasing tunog naman ng baka. Tinalbugan pa ang kasama nitong artista sa pagmamaldita. Kung nasa malapit lang tayo suki, baka napokpok natin ng mikropono ang hunghang na ‘to.

Ang ipinagmamalaki siguro ng huli ay itong kanyang serye na bihira naman siyang lumabas at ang isa pa nitong show na hindi siya halos makapagbitaw ng opinyon dahil mas matatalino sa kanya ang kanyang mga co-hosts.

Bading, tantanan mo na ang pag-iinarte mo ha, hindi pang-exemptional ang talent mo. ‘Yun lang!

***

Tito Alfie hindi nilamon ng sistema

HINDI natin maiwasang ikumpara ang pamosong talent manager at manunulat na si Tito Alfie sa ibang mga nasa kategorya niya. ‘Yung iba naglaho na sa mundo ng showbiz dahil sa katandaan, pero ‘yung ibang natitira na nasa industriya pa ay feeling kung sino nang mag-aasta. Akala yata pag-aari nila ang industriyang ito na ginagalawan ng mga artista. Ang yayabang, huh! Katulad nga nung naunang naikwento natin.

Si Tito Alfie, kung ano ang nakita natin nung magsimula siya sa mundong ito ay ganon pa rin siya hanggang ngayon.

Mataray pero may puso. Ang prinsipyo hindi nabibili. Ang kanyang kredibilidad hindi madadampot sa sahig. Hindi siya nilamon ng sistema.

Kung sino siya, yun ang makikita mo sa kanya. Ika nga’y what you see is what you get. Hindi siya plastik! Sige idol, banatan mo sila nang banatan ng magtanda sila. Hehehe!

***

TAPOS na ang ilang linggong shooting ng The Bourne Legacy sa Pilipinas. Nakipagtsikahan na ang bidang si Jeremy Renner kay PNoy.

Pinag-usapan kaya nila si Grace Lee? Hehehe!

May pinalalabas ng official trailer ng naturang pelikula sa YouTube. Sa naturang palabas ni isang kalye sa Pilipinas ay walang nakita.

Puro sa Europe ang karamihan sa eksena.

Hoping naman ang ilang Pinoy fan na magkaroon ng another trailer ang pelikula na ipakikita ang mga lugar sa ating bansa.

Sus, sa kabila ng katakot-takot na perwisyong ginawa nila sa Manila dahil sa pagsasara ng ilang kalye para lamang bigyan daan ang shooting nila, nariyan ang mala-impyernong trapik, pagkalugi ng maliliit na tindahan at kung anik-anik pa, pag hindi nila ginawa iyon o kahit pasalamatan man lang tayo sa credit ng action flict na ‘to, naku, maliban sa magpa-flop ito sa Pinas, abangan na nila ang lait na makakamtan nila sa lahat ng social network sites.

Ngayon pa nga lang may mga violent reaction na kaming nababasa samantalang hindi pa tapos ang paggiling ng kamera rito dahil sa Abril pa ang showing nito, how much more kung ipalabas na ito sa mga sinehan ng wala man lang tayong natatanggap na pakunswelo de bobo sa kanila. Giatay!

Once na pinanood natin ang movie na ‘to, kailangan maramdaman nating It’s more fun in the Philippines ha, or else, fatatalsikin namin ang pelikula ninyong ito!

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply