Talino ng prosekusyon sinubok ni Miriam

WARING isang guro sa paaralan ang ginawa ni Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago sa kanyang kapwa mga senador lalo na sa prosekusyon nang kanyang subukin ang kaalaman ng grupo sa kanilang isinampang kaso kay CJ Renato Corona lalo na hinggil sa temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Supreme Court sa paglalabas ng foreign bank accounts ng punong mahistrado.

Ani Santiago, hindi maaaring suwayin ng Impeachment Court ang kautusan ng kataas-taasang hukuman upang huwag magkaroon ng banggaan ang dalawang panig, kasabay ng kanyang pag-isa-isa sa kanyang naging batayan sa pagboto ng pabor sa TRO.

Bukod kay Miriam, nagbigay din ng kanilang pananaw ang iba pang senator-judges.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply