Talipapa sa Maynila, tinupok ng apoy

MALAMANG na hindi na pakinabangan ang isang talipapa sa Tambunting, Sta Cruz, Manila na natupok ng apoy kagabi (Pebrero 1) matapos matumba ang ginagamit na kandila sa isang tindahan sa loob nito.

Isa lamang ang biktima na iniulat na nasugatan na nagkaroon ng matitinding paso sa kaliwang pisngi, kaliwang brado at kaliwang paa.

Sa panayam, sinabi ni Belinda Ochave, deputy fire marshal ng Manila Police Department, na naideklarang fire-out ang sunog dakong alas-12:00 ng hatinggabi matapos sumugod sa lugar ang mahigit 20 bombero.

Sa ekslusibong panayam naman ng www.remate.ph, sinabi ni Nica Norumbaba, tiyahin ng biktimang si Princess Jessel, 10 buwang gulang, na nagising siya sa ingay ng nag-aaway na pusa kaya’t bigla na lamang niyang nakita na sinusunog ng kandila ang hinihigaan nilang kama.

“Nagising ako sa ingay ng pusa na nag-aaway. Nakita ko na lamang na nasusunog na ang kama namin kaya kaagad kong binuhat ang aking pamangkin saka tumakbo palabas,” ayon kay Norumbaba.

Sinabi naman ni Barangay Chairman Renato Jimenea na mga 10 hanggang 12 tindahan ang natupok ng apoy sa loob ng talipapa at walang ibang naiulat na nasugatan maliban sa sanggol.

Kasalukuyang nagsasagawa ng mopping-up operations ang Manila Fire Department sa lugar upang matiyak na ligtas ang residente at tuluyang naapula ang apoy. Ernie Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply