Tañada, ABS-CBN, inupakan ng Corona team

HINDI na makatiis ang Defense panel sa walang basehan at walang patumanggang pagdurog kay Chief Justice Renato Corona kaya matinding binatikos ng kmapo ang isang tagapagsalita ng House prosecution panel at isang istasyon ng telebisyon.

Sinabi ni Atty. Rico Quicho, isa sa tagapagsalita ng Defense panel, na hindi makatuwiran na mismong si Quezon Rep. Erin Tañada, tagapagsalita ng House panel, ang magsasabi kung ano ang dapat gawin ni Corona sa kinahaharap nito sa impeachment trial.

“Mr. Tanada’s comment is truly unfounded and has no basis since he is neither a spokesman of the Chief Justice nor is he in any position to second guesses what the Chief Justice is thinking,” ayon kay Quicho.

Binatikos din ni Quicho ang pagkiling at “biased” reporting ng ABS-CBN nang isahimpapawid ang interview kay Tañada nang hindi kinukuha ng panig ng depensa.

“For the author, Mr. RG Cruz, to even post it without getting the side of the Defense or of the Chief Justice is bothersome. Maybe ABS-CBN should be more balanced” giit ni Quicho

Tinutukoy ni Quicho ang post ng ABS-CBN reporter na si RG Cruz kahapon (Huwebes, Pebrero 2)dakong alas-7:52 sa internet portal ng istasyon na nagsasabing “malamang nag-iisip na si Corona ng kanyang litanyang I am sorry sa hindi maipaliwanag na SALN.”

Narito ang aktuwal na post ni Cruz, ayon kay Quicho: “House prosecution spokesman Lorenzo Tañada III feels Chief Justice Renato Corona may be preparing to do an “I am sorry“ speech regarding his statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Sinabi ni Tañada na malamang na naghahanda na umano si Corona upang maipaliwanag ang discrepancies sa kanyang SALN sa pamamagitan ng pagsasabi ng “I am sorry, lapse of judgment” katulad nang sinambit ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macaapagal-Arroyo na humingi ng tawag nang kausapin ang isang komisyunado ng Comelec noong 2004 elections.

“By introducing the ‘I am sorry’ is like throwing the GMA card into the arena. The Defense has not even started our presentation of witnesses and documents and Tañada thinks they have already proven Article 2?.”

Ayon naman kay Defense Spokesman Atty. Mon Esguerra, dapat na maging fair o patas si Tañada dahil kapwa ang prosekusyon at ang depensa ay binalaan ng impeachment court.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply