Tanod, holdaper patay sa engkwentro sa QC

BINARIL at napatay ng limang holdaper ang isang barangay tanod habang sugatan naman ang isang estudyante sa Quezon City pero sa pagkasa sa pulisya, isa naman sa kanila ang napatay kaninang madaling-araw.

Dead on the spot ang biktimang si Elmer Alfonso, tanod ng Barangay Balon Bato. Q.C.

Namatay naman habang ginagamot sa Manila Central University  Hospital (MCUH) ang hindi nakilalang suspek na inilarawang nasa 40-45 anyos. Narekober sa kanya ang isang kalibre 45,  38 revolver at 1 kutsilyo.

Hinahanting na rin ng Quezon City Police District (QCPD) upang panagutin sa krimen ang may apat pang suspek sa insidente.

Bago ito, nabatid na alas 11:30 kahapon ng gabi (Pebrero 11), hinoldap ng mga suspek sa Barangay Balon Bato ang isang pampasaherong jeep at binaril ang isang babaeng estudyante nang tumangging ibigay ang kanyang cellphone at relo.

Isinugod sa Bernardino Hospital ang hindi nakuhang pangalan ng estudyante para sa kaukulang paggamot.

Hinabol naman ng grupo ng tanod ang mga suspek pero binaril si Alfonso ng isa sa kanila.

Nakorner naman ng mga rumespodenng pulis ang isa sa mga suspek sa Dimaano Compound sa Barangay Balon Bato, at tinamaan ito sa naganap na engkuwentro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply