Tanod utas sa dyowa ng itineybol na GRO

DAHIL sa sobrang selos kaya nagawang patayin ng dalawang lasing na lalaki ang isang barangay tanod sa Masbate.

Dead on the spot si Ramil Alde ng Barangay Docol sa Baleno nasabing lalawigan.

Nangyari ang insidente sa isang videoke bar sa Barangay Poblacion habang umiinom at ka-table ang nililigawang guest relation officer (GRO) at bigla na lamang lapitan ng mga suspek na sina Louie Pusing, 24, at Bryan Mato na kapwa residente ng Sitio Tamba.

Sinasabing agad na inundayan ng suntok sa iba’t ibang ng katawan ang biktima.

Sa imbestigasyon lumalabas na labis na selos ang nagtulak sa mga suspek na saktan hanggang sa mapatay ang biktima matapos i-table ang kanilang hinahangaang GRO.

Hinala naman ng pulisya na posibleng nobya ng isa sa mga suspek ang naiteybol na GRO ng biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply