Tatay kulong sa pagdaliri sa anak

KULONG ang isang tatay matapos ireklamo ng pagdaliri sa anak na dalagita sa Caloocan City kagabi (Pebrero 24).

Nahaharap sa kasong statutory rape si Poperio Nolasco, 48, ng A. Mabini st. sa nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang 12-anyos, dakong alas-9:00 ng gabi nang daliriin siya ng suspek sa loob ng kanilang bahay.

Natigil lang ang ginagawa ng suspek nang makita sila ng ate ng biktima.

Nagsumbong ang ate sa kanilang nanay at lola na naging dahilan upang ipadakip ang suspek.

Nabatid na matagal nang dinadaliri ng suspek ang biktima at hindi makapagsumbong ang dalagita dahil sa takot sa tatay. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply