Tatay kulong sa pagdaliri sa anak

KALABOSO ang sinapit ng isang tatay matapos ireklamo ng pagdaliri sa anak na dalaginding sa Caloocan City Biyernes ng gabi (Pebrero 24).

Nahaharap sa kasong statutory rape si Poperio Nolasco, 48 ng A. Mabini Street ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang 12-anyos, dakong alas-9:00 ng gabi nang daliriin ng suspek ang ari ng anak sa loob ng kanilang bahay.

Natigil lang ang ginagawa ng suspek nang makita sila ng ate ng biktima.

Nagsumbong ang ate sa kanilang nanay at lola na naging dahilan upang ipadakip ang suspek.

Nabatid na matagal nang dinadaliri ng suspek ang biktima at hindi makapagsumbong ang dalaginding dahil sa takot sa kanyang tatay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply