Tatay patay, anak kritikal sa mga nakasagian

PATAY ang isang mister, habang kritikal pa sa pagamutan ang kanyang anak ng lalaki nang pagsasaksakin ng kanilang mga nasagi sa paglalakad sa Caloocan City kagabi, Pebrero 5.

Patay na nang idating sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng saksak sa lalamunan at ibang bahagi ng katawan si Arnel dela Cruz, 44 ng Kawal, Dagat-dagatan, nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa nasabing ospital sanhi rin ng mga saksak sa katawan si Nelvin dela Cruz, 17, ng nasabing lugar.

Nadakip naman si Luisito Corpuz, 35, habang pinaghahanap sina Leonardo Corpuz at Edwin Perez, pawang ng Sawata, nasabing lungsod.

Batay sa ulat, alas-7 ng gabi, naglalakad ang mag-ama sa Sawata nang masagi ni Nelvin si Leonardo na ikinagalit ng huli, hanggang magtalo.

Upang hindi na humaba ay pumagitna si Arnel subalit naglabas na ng mga patalim ang mga suspek bago pinagsasaksak ang mag-ama.

Agad na dinala ang mag-ama sa PDMMMC habang nadakip si Luisito ng mga rumespondeng mga barangay tanod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply