Tauhan ng MMDA bugbog sa drag racers sa Pasay

NASUGATAN ang isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang bugbugin ng grupo ng drag racer sa Pasay City kaninang madaling araw.

Nilapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Raul Repteres na nagtamo ng mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan at sugat sa ulo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sinita ng biktima ang isang grupo na hinihinalang magsasagawa ng drag racing sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Avenue, Pasay City.

Nang sitahin ni Repteres ang grupo, na hinihinalang mula sa mayamang angkan, ay gulpi ang inabot ng biktima.

Sinabi naman ni MMDA Chairma Francis Tolentino na higit nilang pag-iibayuhin ang pagbabantay laban sa mga drag racer upang natigil na ang illigal na operasyon ng mga ito na ginagamit ang Macapagal Avenue sa pustahan.

Kaugnay nito, humingi na rin ng ayuda ang MMDA sa Philippine National Police (PNP) para umagapay sa kanilang mga tauhan sa pagbabantay sa naturang lugar kung saan idinadaos ang iligal na karera.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply