Teaser pa lang ulam na…. Corazon: Ang Unang Aswang kaabang-abang!

KAABANG-ABANG ang bagong horror-suspense film na pagbibidahan nina Erich Gonzales at Derek Ramsay na “Corazon:Ang Unang Aswang.”

Teaser pa lang ang ipinapakita at hindi pa gaanong ipino-promote, ay agad na humanga na ilang netizens sa husay ni Erich.

Plus pa ang kagwapuhan ni Derek na talagang makataawag pansin at humahatak ng atensyon mula sa mga kababaihan at mga may pusong babae, para panoorin ang naturang pelikula.

After ng box office hit movie na No Other Women, ito ang sumunod na movie ng dyowa ni Angelica Panganiban.

Teka, sa promotion kaya ng Corazon, na ipalalabas na sa March 14, eh maungkat na naman ang isyu involving the three of them.

Sana naman hindi!

Abangan natin kung kakagatin ng movie goers ang Corazon: Ang Unang Aswang.

Idinerek ito ni Richard Somes at pinrodyus ng Skylight Films, Reality Entertainment and Star Cinema.

Ayon kay Direk Richard Somes, ang konsepto ng pelikula ay nabuo noong 2008 pagkatapos na matapos niya ang first horror full-length script na Yanggaw.

Ang story ng Yanggaw ay umiikot sa “alamat ng aswang” at ang kultura na pumapaikot dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply