Technical director ng ABS-CBN hinoldap na binaril pa

SUGATAN ang isang technical director ng ABS-CBN nang barilin ng dalawang holdaper na humoldap sa kanya sa Panay Avenue, Quezon City ngayong hapon.

Kinilala ang biktima na si Crisologo Pangan, technical director ng ng naturang TV station ay isinugod sa Capitol Medical Center.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District, naganap ang insidente dakong 2:00 ng hapon sa nasabing lugar.

Nabatid na matapos ang panghoholdap ay binaril pa ng mga suspek ang biktima na mabilis tumakas pagkatapos ng insidente.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply