Tensyon muntik sumiklab sa QC jail

MUNTIK sumiklab ang tensyon sa Quezon City Jail makaraang magkasagian ang dalawang preso na kapwa miyembro ng gang sa loob ng naturang piitan sa Quezon City kaninang umaga.

Nabatid sa ulat na 8:30 ng umaga kanina nang muntik sumiklab ang girian sa loob ng Quezon City Jail sa Kamuning kanto ng Edsa, QC bunga ng naturang insidente.

Sinabi sa ulat na muntikan ng magkasagupa ang Sigue Sigue Sputnik (SSS) at Bahala Na Gang (BNG) matapos magkasagian ang dalawang preso sa loob ng naturang piitan.

Nabatid pa sa ulat na muntik magpang-abot ang dalawang preso na hindi na nakuha ang mga pangalan na  agad din namang naawat ng jail guard officers.

Kaugnay nito sa pamamagitan ng isang telephone interview ay itinanggi ni Jail Officer 1 Frietze Nono, civil relation service officer ng Quezon City Jail  ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang naturang gulo at sinabing normal lamang na insidente na nagkakaroon ng sagian sa naturang piitan dahil na rin sa sikip.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply