Tensyon sa labas ng bansa paghandaan

MUKHANG panahon na para bawasan na nang mga pulitiko natin at maging ng media ang napakaraming oras na ginugugol nila sa impeachment trial ni Chief Justice Renato C. Corona.

Dahil kasi sa sobrang pagtutok ng bansa sa kaganapan sa paglilitis ay nakakaligtaan na ng mga lider natin ang maraming mas importanteng bagay na dapat nilang gawin at paghandaan.

Ang problema nga lang, hangga’t may media na nagbibigay ng full coverage sa impeachment trial ay sigurado ako na hindi magsasawa ang ating mga magigiting na pulitiko na magpasikat sa harap ng camera.

Kaya hindi na tuloy nabibigyang pansin at pinaghahandaan ang mga kaganapan sa ibang bansa na siguradong may malaki ring epekto sa pamumuhay natin dito sa atin.

Gaya na lang halimbawa sa patuloy na girian ng Iran at ilang western power sa pangunguna ng Estados Unidos. Ang dahilan ay nagdududa ang US na gumagawa nang

mga armas nukleyar ang Iran.

Ang gusto kasi ng grupo ng US ay sila lang ang merong nuclear power at pag ibang bansa na ang gagawa nito ay tintatawag na nila itong banta sa katahimikan ng mundo.

At dahil sa patuloy na giriang ito ay nagbanta na nga ang Iran na ihihinto na nila ang pagbebenta ng crude oil sa mga bansang kaalyado ng US gaya nang Britanya at  Pransiya.

Maaring itanong ng mga “magagaling” nating lider kung ano ang pakialam natin sa laban nila ay malayo naman tayo sa kanila.

Para sa kaalaman ng “matatalino” nating mga opisyal, sa sandaling mangyari at mauwi na sa gulo ang girian ng US at Iran ay siguradong aabot hanggang sa langit ang presyo ng mga langis dito sa ating bansa.

Bakit kamo? Ang Iran lang naman kasi ang isa sa limang pangunahing oil exporting countries sa buong mundo.

Ano kaya ang nakahandang plano nang pamahalaan sakaling mangyari na nga ang gulo?

Baka naman maiwan tayong nakatunganga at ni hindi nga natin maiuwi dito sa bansa ang libo-libong OFWs natin na maapektuha ng gulo na.

Maliban sa banta ng gulo sa pagitan ng Iran at US ay hindi pa rin humuhupa ang tensyon sa pagitan ng North at South Korea.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply