Tensyon sa QC jail humupa na

MATAPOS ang ilang oras na negosasyon sa pagitan ng awtoridad at 800 miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang, humupa rin ang tensyon sa Quezon City Jail bago mag-alas 12:00 ng tanghali.

Nabatid kay QC Jail warden Joseph Vela, pumayag ang mga preso na maghalal ng mga bagong lider matapos ilipat sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang 20 nilang opisyal.

Una nang nagsagawa ng routine inspection ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR) at Quezon City Jail dakong alas-8:00 ng umaga kung saan nakakumpiska ang mga ito ng sako-sakong patalim at matutulis na bagay saka isinunod ang pagdampot sa 20 lider ng grupo.
Ito rin ang itinuturong dahilan ng pag-aalburuto ng mga preso kung saan nagliparan ang mga silya, kaldero, bote at mga lata sa loob ng mga selda.

Matapos naman ang negosasyon at paghalal ng mga bago nilang opisyal, nagbalikan na rin sa kani-kanilang selda ang mga preso at naglinis nang mga ikinalat na gamit.

Isa rin sa inaapela ng mga presyo ay pagbabalik sa kanila ng pondo ng brigada na P135,000.

Ayon naman kay Vela, ang BJMP-NCR ang kumuha nito sa isinagawang inspeksyon noong Sabado pero para lamang aniya itago at ibabalik din ng pakonti-konti.

Naipon ng Sigue-sigue Sputnik Gang ang pera sa pamamagitan ng kontribusyon at ginagamit kapag may pangangailangan ang pamilya ng kanilang miyembro.

Pansamantala munang sinuspinde ang dalaw sa mga bilanggo at hindi pa malinaw kung kailan ito ibabalik.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply