Terminal fee ng international flights balik sa orihinal na presyo

MULA sa mataas na terminal fee, balik na sa orihinal na presyo na P500 ito para sa mga pasahero ng international flights simula ngayong araw.

Mismong si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado ang nagbalita sa nasabing kautusan.

Aniya, ito ay makaraang matapos  na ang  limang taong implementasyon ng kanilang security development program na ipinatupad simula noong Pebrero 1, 2007.

Mula sa P750 terminal fee para sa international flights ay ibinalik na ito sa P550.

Mananatili naman sa P200  ang terminal fee para sa mga pasahero ng domestic flights.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply