Terminal fee sa NAIA tataas muli

NAKATAKDANG magtaas muli ang terminal fee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ang inihayag ngayon ni Transportation and Communications Secretary Manuel “Mar” Roxas at sinabi na kasalukuyan nang pinoproseso ang planong pagtataas.

Ayon sa kalihim, P200 ang idadagdag sa terminal fee ng nasabing paliparan kaya’t mula sa P550 ay magiging P750 na ito.

Layunin ng pagtataas ay upang magkaroon ng sapat na kita ang paliparan na tutugon sa pagpapasaayos at improvement ng NAIA, na nitong huli ay ilang ulit na naisama sa ilang listahan ng worst terminals airports sa mundo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply