Testigo: P11-M cash advance inutang ni Corona sa ‘lusaw’ na kompanya

LUMALABAS na nakakuha ng P11 milyon cash advance si Chief Justice Renato Corona sa isang lusaw na kompanya.

Ito ay mula sa pahayag ng testigo na si Securities and Exchange Commission director Benito Cataran sa kanyang pagharap sa impeachment court ngayong araw.

Si Cataran ay humarap para sa P11 milyong cash advnace ng punong mahistrado sa Basa-Guidote Enterprises Inc., ang kompanyang pag-aari ng kanyang misis na si Cristina.

Nabatid kay Cataran, na ang Basa-Guidote ay hindi nag-file ng kanilang general information sheet mula 1991 hanggang 1997.

Bukod dito, hindi rin nakapag-file ng financial statements ang Basa-Guidote mula taong 2000 hanggang 2010.

Ayon pa kay Cataran, ang pinakabago nilang general information sheet ay ang para sa taong 1990.

Base sa pahayag ni Cataran, ang hindi pagpa-file ng general information sheet ng Basa-Guidote sa loob ng anim na taon (1997-2002) ang dahilan ng revocation ng certificate of registration noong Abril, 2003.

Ngunit bago ito ay una nang sinabi ni Cataran na ang kompanya ay hindi nag-file mula 1991 hanggang 1997.

Ang taon kung kailan na-revoke ang lisensiya ng Basa-Guidote ay ang taon din kung kailan nag-file si Corona ng kanyang SALN kung saan nakasaad ang P11 milyon cash advance mula sa korporasyon.

Hindi naman tiyak si Cataran kung nag-oopereyt pa ang kompanya noong panahon na nag-cash advance si Corona.

“We can’t say whether it’s still in operation because they are not submitting reports,” sagot niya sa tanong ni Sen. Loren Legarda.

Nang tanungin naman ni Legarda ang prosecutor kung ano ang koneksyon ng korporasyon at ang kabiguan ni Corona na magpasa ng kanyang SALN ay sinagot ito ni Rep. Reynaldo Umali, na may hinala na ang prosekusyon na walang naganap na transaksyon sa pagitan ng Basa-Guidote at ni Corona dahil ang korporasyon ay nalusaw na o na-revoke na.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply