‘The Bourne’ shooting nasa Sta. Mesa na

NAGPALABAS na ng anunsiyo ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa inaasahang pagsisikip ng trapiko sa pangunahing lansangan sa Sta. Mesa Manila, sa Sabado hanggang sa Linggo dahil sa gagawing shooting ng pelikulang “The Bourne Legacy.”

Sa inilabas na abiso ng MMDA, isasara nila sa daloy ng trapiko ang ilang mga lansangan mula ala-1 ng madaling-araw ng Sabado hanggang hatinggabi ng Linggo, Pebrero 5 upang bigyang daan ang shooting ng naturang pelikula.

Kabilang sa mga isasarang lansangan ang isang bahagi ng RM. Boulevard mula Araneta Avenue hanggang Pureza St. kaya kinakailangang mag-counter flow ang lahat ng mga sasakyan na tatahak dito gamit ang eastbound lane ng naturang lansangan.

Hindi na rin pahihintulutan ang mga malalaking sasakyan na dumaan sa eastbound lane at sa halip, ang mga magmumula sa Nagtahan/Legarda at JP Laurle St. ay kailangang dumiretso sa A.H. Lacson, kanan ng G. Tuazon o España patungo sa destinasyon.

Sa mga magumula naman ng San Juan, Cubao at Mandaluyong, puwedeng gamitin ang Old Sta. Mesa, kaliwa sa Valenzuela St., kana ng Paco/Sta mesa Road, kanan ng Quirino Avenue patungo sa kanilang destinasyon.

Napag-alaman na tatagal ang shooting ng naturang pelikula sa naturang lugar ng hanggang Pebrero 11 kung saan muling isasara ang bahagi ng naturang lansangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply