Tigil-pasada kasado na sa Negros Occ.

MAGSASAGAWA ng tigil-pasada ang grupong United Negros Drivers and Operators Center (UNDOC) kasama ang Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa darating na Marso.

Nabatid kay Jessie Ortega, secretary-general ng UNDOC, ito ay upang maipanawagan nila ang pagbibigay solusyon ng pamahalaan sa mga problema ng mga tsuper at operator.

Hirap na aniya ang mga drayber at operator sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Isa sa mga suhestyon ng UNDOC ang pagbawas sa buwis na ipinapataw sa imported na produktong petrolyo.

Balak ng public transport group na gawing malakihan ang tigil-pasada sa susunod na buwan.

Ayon kay Ortega, kahit na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay hindi sila mapipigilan sa pagparalisa sa pampublikong transportasyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply