Tinanggap na ‘lagay’ ng Pagcor chair walang masama

WALANG masama sa pagtanggap ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) chairman Cristino “Bong” Naguiat ng ‘freebies’ gaya ng hotel accommodation at iba pang mamahaling regalo.

Sa naging reklamo ng US-based casino giant na Wynn Resorts, sinasabing tumanggap si Naguiat ng mga kaduda-dudang pabor mula sa Japanese gambling magnate na si Kazuo Okada.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, wala namang ‘cash gift’ na tinanggap si Naguiat bukod sa ‘free accommodation’ kasama ang pamilya sa mamahaling hotel nang bumisita sa Macau kaya walang masama rito.

Binigyang diin ng opisyal na naniniwala siyang malilinis ni Naguiat ang kanyang pangalan sa malaking kontrobersya na kinasasangkutan din nina dating First Gentleman Mike Arroyo at dating Pagcor chairman Ephraim  Genuino.

Sa kabilang dako, hindi naman masabi ni Sec. Lacierda kung may problema sa pagtanggap noon nina dating FG at Genuino sa kabila ng mabilis nitong pag-absuwelto kay Naguiat.

“In so far as Chairman Naguiat is concerned, there was no cash gift granted to Chairman Naguiat…(Free accommodation) is an industry practice…as long as you don’t profit from it personally; as long as it is done because it’s a practice that you provide accommodations for each other,” ang pahayag ni Sec.Lacierda.

Nauna nang sinabi ng opisyal na maging si Pangulong Benigno Aquino III ay walang nakikitang problema sa ginawa ni Naguiat na tumanggap ng perks mula sa gambling magnate na may kontrata sa bansa.

Inamin din ni Lacierda na nakatakda sanang makipagkita ang Punong Ehekutibo sa chief executive ng Wynn Resorts Ltd na si Steve Wynn pero hindi natuloy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply