Top most wanted person arestado sa Kalinga

ARESTADO ang nangunguna sa mga top most wanted person sa lalawigan ng Kalinga.

Nabatid na naaresto sa pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cordillera Administrative Region (CAR) si Ret Villamor sa lungsod ng Tabuk dahil sa kasong pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot. Isa rin itong tinuturong holdaper, carnapper at gunrunner.

Nakumpiska sa pag-iingat ni Villamor ang limang gramo ng shabu, magnum .22 na baril at granada.

Nabatid pa na matagal nang minamanmanan ng pulisya ang suspek at kanina lamang ay isinilbi na ang warrant of arrest laban kay Villamor.

Matapos maaresto dinala na ang suspek sa Provincial Jail ng Kalinga.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply