Total deployment ban ipinaiiral sa Iraq

IPINAIIRAL ngayon ang total ban sa pagpapadala ng mga manggagawang Filipino sa Iraq.

Sinabi ni  Department of Labor and Employment (Dole) Secretary Rosalinda Baldoz, nagpasya ang Governing Board  ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na aprubahan ang resolution para sa total ban sa deployment ng overseas Filipino workers (OFW) sa Iraq, maliban sa autonomous Iraqi Kurdistan Region.

Ang hakbang ay ginawa ng matapos na isailalim  Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 3 ang Iraq.

“The recommendation was in view of the expected surge of terrorism and sectarian violence in Iraq following the withdrawal of U.S. military forces last December 2011”, paliwanag ni Baldoz.

Ang total deployment ban ay inirerekomenda  sa mga bansang inilalagay sa Alert Level 3.

Noong 2007 ay ipinatupad rin ng POEA ang ban sa deployment ng OFW sa Iraq at Afghanistan  dahil sa problema sa peace and order.

Tiniyak naman ni Baldoz na tatanggalin ang ban sa sandaling maging normal na ang kalagayan sa nabanggit na bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply