Traffic advisory sa INC grand evangelical mission bukas inilatag

MAGPAPATUPAD bukas ng traffic advisory ang Manila Police District Traffic Enforcement Unit  sa gaganaping Grand Evangelical Mission ng Iglesia ni Cristo, alas-5 ng hapon sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ayon sa MPD-TEU, isasara sa trapiko ang kahabaan ng Katigbak Drive, South Drive at Independence Road, simula 12 ng anghali.

Ang north wing ng Qurino Granstand na harapan lamang ng Luneta PCP ay magsislbi namang parking area para sa mga VIP.

Itinalaga namang parking area sa mga may car pass ang south Drive mula Roxas Blvd. hanggang Independence Rd.

Maari namang iparada ang mga bus sa kahabaan ng Roxas Boulevard mula P. Burgos hanggang P. Ocampo, one lane lang ng north at southbound lane.

Habang one lane lamang ang madadaanan sa kahabaan ng Bonifacio Drive north at southbound lane mula sa 25th Street papuntang Anda Circle.

Ang light vehicles ay maaaring dumaan sa isang lane ng TM Kalaw east at westbound malapit sa sidewalk mula Roxas Boulevard hanggang  Ma. Orosa.

Maaari namang dumaan sa service road ng Bonifacio drive service road ang mga motorsiklo.

Ginawa namang drop off point sa mga lalahok ang  Roxas Boulevard southbound sa harap ng estatwa ng kalabaw.

Inabisuhan rin ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply