Trak vs fishcar: 5 patay, 1 kritikal

KAAGAD na namatay ang may lima katao habang isa ang kritikal at dalawa naman ang sugatan makaraang magbanggaan ang isang Elf truck at fishcar sa national highway, sa Barangay Polunoling, Tupi, South Cotabato kaninang umaga, Pebrero 17.

Base sa panayam sa radyo ng isang nagngangalang Bonifacio Bonita, residente ng Tacurong at pasahero ng fishcar na kulay puti at may plate number na MVT957, nagising na lamang siya na nasa gilid na ng daan at nakita nito na patay na ang driver nila na kinilalang si Nestor Lambayan at ang apat pang katao na sakay naman ng nakabanggaang truck na kulay maroon na may plate number YAB365 bandang alas-5:45 umaga.

Nabatid pa na nasa kritikal na kondisyon ang kasama ni Bonifacio na kinilalang si Jenelyn Dela Peña sa South Cotabato Provincial Hospital, ngunit agad na inirekomenda ng doktor na dalhin sa lungsod ng Davao.

Masuwerte namang nakaligtas at may gasgas lamang ang isa pang pasahero na kinilalang si Maricel Buenacosa, residente ng lungsod ng Tacurong.

Sa naging salaysay ni Bonifacio, galing sila sa lungsod ng Tacurong papuntang lungsod ng General Santos, habang mula GenSan patungong Koronadal City naman ang nasabing truck.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng awtoridad ang nasabing aksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply