Trak vs motorbike: 3 patay sa Butuan

TATLO katao ang nasawi makaraang sumalpok ang isang motorbike sa isang nakaparadang trak na naglalaman ng mga scrap ng bakal sa Libertad, Butuan City kaninang madaling araw, Pebrero 11.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ronald Napare, 26, ng Brgy. Obrero; Glaida Guitirigan, 18, ng New Asia, Brgy. Port Puyohon, pawang ng naturang lungsod.

Nasawi rin ang driver ng motorbike na hindi kaagad nalaman ang pagkakakilanlan.

Ayon sa pulisya, bumangga ang motorcycle sa isang six-wheeler truck na nakaparada sa tabi ng national road sa Purok 6, Barangay Libertad.

Papunta sana ng beach resort sa Buenavista ang mga biktima na kagagaling lamang sa isang resto-bar nang maganap ang insidente bandang alas- 4:30 ng madaling araw.

Idineklarang dead on arrival ng mga doktor ang mga biktima.

Ayon sa isang nakasaksi, na-flat ang gulong ng naturang trak bandang alas-11 ng gabi ng Biyernes kung kaya itinabi muna ito ng driver ngunit walang inilagay na early-warning device.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply