Trak vs trak: madre, 2 pa patay

TATLO katao ang nasawi kabilang na ang isang madre makaraang lumusot sa ilalim ng trak ang kanilang sinasakyang pickup truck sa Batangas kaninang umaga, Pebrero 16.

Sa isang panayam sa radyo kay Carlo Amerika, chief security ng Star Tollway, isa sa mga pasahero ng pickup truck ang agad na nasawi makaraan ang aksidente habang ang dalawa pang biktima kasama ang isang madre ay naisugod pa sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

“Galing pa po sa Brgy. San Vicente, Gapan, Nueva Ecija ang mga biktima papuntang Batangas,” ayon kay Amerika.

Habang may dalawang nakaligtas na kasalukuyan namang nakaratay sa Lipa Mediatrix Hospital.

Naganap ang aksidente bandang alas-6:02 ng umaga sa highway ng Malvar, Batangas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply