Travel warning inilabas ng UK vs PHL

KASUNOD ng pagdukot sa dalawang European nationals sa Tawi-Tawi ay panibagong travel warning naman ang inilabas ng United Kingdom laban sa Pilipinas.

Pinaalalahan ng UK Foreign and Commonwealth Office sa ipinalabas nilang advisory ang kanilang mga kababayan na iwasan ang pagpunta sa ilang lugar sa Mindanao dahil sa mga insidente at banta ng kidnapping.

Kasama rin sa travel warning ng UK  ang insidente ng pagdukot sa isang Australian citizen sa Zamboanga Sibugay noong nakaraang taon.

Kamakailan ay kumpirmadong dinukot ang dalawang foreigner at kapwa wildlife photographer na sina Elwold Horn, isang Dutch national, at Lorenzo Vinci-guerra, isang Swiss national, kasama ang kanilang tour guide na si Ivan Sadenas na nakatakas naman sa kamay ng As-Man Sawa-haan na mula sa bandidong grupo ng Abu Sayaff.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply