Trip sa Real, Quezon sa Linggo

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Tuloy na tuloy na ang road trip ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa Real, Quezon sa darating na Linggo, Pebrero 26, 2012.
Ang oras ng take off ay alas-3:00 ng madaling araw sa Linggo. Ang meeting place ay sa National Press Club (NPC) sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila.
Paalala: Magdala ng pang-almusal, kapote, ekstrang damit na pangligo, lupid (para panghatak sa motor na magkaaberya), headlight bulb, spark plug, interior ng gulong,  ekstrang pera, fuse, isuot ang Type B uniform (kung wala pang uniform magsuot ng itim na jacket), full face helmet, sapatos, bawal nakatsinelas (pati backrider) at magsuot ng guwantes.
Dapat dumating kayo ng alas-2:00 ng madaling araw sa NPC dahil magsasagawa pa ng inspeksyon ang mga sgt. at arms, PRO, PIO, directors sa ating mga OR/CR at lisensya ng rider kung nakapag-renew ng rehistro ng motor. At lahat ng rider ay susuriin ng medic team para malaman ang ating kalusugan bago bumiyahe.
Ang paalalang ito ay mula sa ating PIO na si Ka. Danilo Delfin.
Samantala, inaasahang nasa mahigit 70 riders ng PHLRC ang sasama sa road trip na ito sa Real.
Pinakikiusapan ang lahat ng riders na ipa-check na ang ating motorsiklo sa mekaniko bago bumiyake para maiwasan ang iba pang aberya sa daan.
***
Gusto mo bang sumali sa PHLRC? Mag-text lang sa mga numero sa ibaba.
Requirements:
* Babae o lalaki
* May sariling motor,
* 100cc to 400cc.
* Xerox copy ng OR/CR  at driver’s license
* May trabaho
* 18-50 years old
For more info, mag-text sa numero sa ibaba kung saan lugar ka kabilang.
Cavite, Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque, Laguna, Batangas
Pasay, Manila
Quezon City,  Caloocan, Navotas,
Malabon, Bulacan
Rizal, Pasig, Marikina, Taguig
Caloocan North, Novaliches
/  Fairview North
San Juan City
Mandaluyong City
Makati City
For more info, please visit our website: http://phlrc.tripod.com
NO MEMBERSHIP FEE!
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply