TRO nag-boomerang kay CJ Corona

KUNG ang iniisip ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona at ng kanyang mga abogado ay naisalba sila ng Temporary Restraining Order ng Korte Suprema para hindi mabulatlat ang dollar deposits nito sa bangko, hoy, nagkakamali sila.

Bakit? Dahil yung TRO na ipinagmamayabang nila ay lumikha lang ito ng constitutional crisis sa pagitan ng Legislature at ng Judiciary, kaya pasan ngayon nina Corona at ng mga abogado nito ang tinatawag na ‘burden of proof’ na karaniwang responsibilidad ng prosekusyon.

Para tuloy nag-boomerang sa mukha ni CJ Corona ang naturang TRO. Ayon kasi kay lead Prosecutor Rep. Neil Tupaz ang pagtatago ni Corona sa saya ng SC ay lalo lamang nagpatibay na may malaking halaga ng dolyares na nakalagak sa mga bangko na ang kanyang kinikita sa kanyang trabaho ay hindi katumbas sa sandamukal na kayamanan nito.

Idinetalye ni Tupas sa ilalim ng Republic Act 1379 or Philippine Forefeiture Law na kapag ang ari-arian ng isang tao ay sobra-sobra sa kanyang ligal na kinikita  ito ay masasabing illegaly acquired wealth.

Binigyan diin pa ni Tupas na ito ay madaling mapatutunayan kung ikukumpara sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALNs) ni Corona sa nakalipas na sampung taon.

Kung wala raw itinatago si Corona dapat daw ay papayag siyang bulatlatin ang banko nito. Naniniwala si Tu-pas na dahil sa TRO ay maraming Filipino raw ang naniniwalang nagpayaman si Corona habang nasa puwesto.

Hinamon din ni Tupas  ang CJ para mabura sa isipan ng tao ang suspetsa  na kailangan ay pumayag siyang bulatlatin ang kanyang kayamanan. Pero teka, kahit gawin ni CJ Corona ang mga bagay na ‘yan ay maniniwala pa ba kaya sa kanya ang Sambayanan? Mukhang malabomg mangyari yun.

oOo

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply