TRO ng SC nagpalakas ng kaso vs Corona

MAS lalong nagpalakas sa kasong pagpapatalsik kay Chief Justice Renato Corona ang pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema hinggil sa dollar account nito.

Ito ang naging pagtaya ni House prosecution panel at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali dahil sa naging hakbang na ito ng  depensa upang tuluyang hindi maungkat ang itinatagong yaman nito.

Mas lumakas aniya ang kanilang akusasyon sa punong mahistrado na marami itong hindi maipaliwanag na yaman na hindi nakalagay sa kaniyang statement of assets, liabilities, and net worth (SALN) dahil sa pagpapasaklolo sa SC.

Isang malaking hamon ito aniya kay Corona na patunayan na hindi  siya nagtatago ng kanyang yaman sa pamamagitan ng pagsagot nito punto-por-punto.

“Lagi niyang (Corona) sinasabi na sasagutin niya punto-por-punto ang mga bintang sa kanya pero hindi naman niya ito ginawa at bagkus ay kanyang iniiwasan at pilit na itinatago sa publiko at inilalayo ang katotohanan sa lahat ng akusasyon laban sa kanya,” ani Umali.

Matatandaang nagpalabas ang Korte Suprema ng TRO sa  naging mosyon ng PS Bank hinggil sa pagpapalabas ng detalye  sa  dollar  account nito  sa sakop sa  secrecy law.

Naniniwala naman ng  mambabatas na hindi kakatigan ng impeachment court ang inilabas na TRO ng Supreme Court dahil wala raw itong bisa. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply