TRO sa dollar account hindi hadlang sa trial

UMAASA ang Malakanyang na sa kabila ng limitasyon na tinatanggap ng Senado mula sa Korte Suprema ay ipagpapatuloy pa rin ng senator-judges ang kanilang partisipasyon sa impeachment trial upang patunayan na nagkasala si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito ang reaksyon ni Presidential spokesman Edwin Lacierda sa resulta ng Senate caucus kaugnay sa ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema na humahadlang sa pagpapalabas ng ebidensiya na may kinalaman sa dollar deposit ng punong mahistrado.

Ang naging desisyon aniya ng Senado ang nagbigay naman ng daan sa Korte Suprema upang tuldukan ang pagtatangkang tapusin na ang impeachment trial.

Simula’t simula pa aniya ay minamaniobra na ng depensa ang aspetong posibleng magkaroon ng constitutional crisis dahil sa usaping ito.

Sinabi pa rin niya na batay sa mga ebidensiyang naiprisinta na sa sa pamamagitan ng cash accounts at luxury properties ay nagpapakita lamang na hindi nito idineklara sa kanyang assets and liabilities ang kanyang mga ari-arian alinsunod na rin sa isinasaad ng batas.

Kahit ano aniya ang mangyari ay lalabas pa rin ang katotohanan dahil na rin sa mas marami pang ebidensiya ang ilalabas sa paglilitis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply