Tsinoy nurse umalma sa holdap, utas sa boga

PATAY ang isang Filipino-Chinese nurse makaraang barilin ng inalmahang holdaper sa Paciano Bangoy, Davao.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Marjorie Kwan, 23, registered nurse.

Nabatid na papauwi na si Kwan sa kanilang bahay sa RGA Village, Paciano Bangoy, alas-11:30 ng tanghali nang bigla na lamang hinablot ang kanyang bag ng suspek sakay ng motorsiklo.

Ayon sa nakasaksi, nang hindi binitawan ng biktima ang kanyang bag ay binaril siya ng suspek.

Tiniyak naman ni Davao City Police Office director Ronald dela Rosa na papanagutin nila ang nakatakas na suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply